Unang lunes ng buwan sa buwan ng marso nahuli agad ako sa klase pero maaga naman ako para sa second subject ko. Ayun nag report ako sa second subject namin na kasing bilis ng kisap mata ewan ko ba kung bakit nagmamadali eh mas matagal pa yung pagdidikit ko ng visual ko kesa sa binigay na oras ng prof ko. Sa pag uwi ko naman ay bumili ako ng mga bago kong kagamitan sa paglikha ng sining at bumili na rin ako ng kagamitan para sa aking iuulat bukas. Masaya ang araw na ito dahil nakagala ulit ako para pantangal pagod at muli na naman akong nag Karon ng kagamitan sa aking kinahihiligan. Isang bagay na natutunan ko ngayong araw ay mahalaga din na bigyang pahinga din ang sarili at muling buksan ang puso sa mga bagay na gusto natin sapagkat ito ang nagbibigay kasiyahan sa atin.
Marso 03, 2020
Ngayong araw maaga ako pumasok sa paaralan. Siguro normal na sa college life na halos araw araw ay may report at graded recitation halos iyun na yung araw araw na ginagawa naming. Di ko alam pero ngayong araw sobrang tamad na tamad ako kumilos, mag-aral siguro dahil wala din kaming ganap. Wala ulit kaming p.e ngayon kaya mahaba na naman ang oras ko ppara gawin lahat ng bagay na gusto ko. Nag pahinga agad ako paguwi para mawala lahat ng negativity and also to clear my mind sa sobrang stressful week. Grabe ganto na pala pag college pasipagan na lang talaga ang labanan. Nakakapanibago pero kakayanin naman kasi eto na yung year na kailangan kong galingan para magkaroon ako ng magandang future. Kaya ngayon pa lang habang first year sinisipagan ko na para di ako maging tamad.
Marso 04, 2020
Isa na ata sa pinakamagandang balita ang walang klase. Wala kaming klase kaya naman makakapagpahinga at magagawa ko ng maayos ang aking school works. After kong tapusin lahat ng ginagawa ko, kinuha ko lahat ng paint ko at nag practice ako to learn new things. Isa sa pangarap ko talaga ay maging sikat na artist at mamayagpag sa larangan ng sining. Kaya kahit busy ako today may oras parin akong nilalaan para makasama ko yung mga art materials ko at bumuo ng magandang obra.
Marso 05, 2020
Panibagong araw, panibagong sapalaran na naman. Ngayong araw na ang pinakastressful sa lahat. Biruin mo unang subject dalawang activities agad tapos sa second subject long examination naman ang kakaharapin buti na lang kamo ay nakapagbasa ako at may naisagot ako sa exam na yun. Hindi na pumasok yung last two subject ko kaya maaga ako nakauwi pero kahit ilang oras pa lang ako sa school pakiramdam ko maghapon na akong nandun sa dami ng ginawa naming. Maaga ako nakauwi ngayon at dumaan muna ako sa NBS para bumili ng mga bagong brushes gamit na gamit ko na kasi yung mga brushes ko. Bumili rin pala ako ng dalawang canvas at acrylic paint para makapagpractice na ako. Masaya na nakakapagod ang araw na to pero nag papasalamat pparin aako sa mga blessings na natangap ko ngayong araw.
Marso 06, 2020
Nag practice kami ng musical play para sa isang subject naming tungkol sa history at ako nag lead sa kanilang lahat. Hindi ko alam kung bakit anlakas ng tiwala nila sakin na maglead ng grupo pero salamat naman at may tiwala sia sakin. Madali na makipagtrabaho sa mga bago kong classmates ngayon pero di naman maiiwasan na may magulo. Sobrang naging maganda ang kinalabasan ng una naming practice pero tinigil muna naming dahil pumasok na prof naamin sa proofed. Nakalimutan ko na graded recitation pala sa profed sobrang kabnado ako kasi lagi akong tinatawag ng prof namin kahit bagong pasok pa lang niya pangalan ko na kaagad yung unang tumatak sa kanya at di naman ako nagkamali dahil ako unang tinawag niya nbuti na lang nakasagot ako at luckly na ipasa ko naman at nag reciate para naman madagdagan pa yung score ko at syempre magbahagi na din ng nalalaman ko. Napakasaya mag-aral minsan mahirap na tipong papasukuin ka pero kung ineenjoy mo lang magiging masaya ka at mauunawaan mo ang kahalagahan nito.
Marso 07, 2020
Normal na araw para sa normal na tao gumagawa report activity at assignment hindi na bago yun ara sa tulad naming college students. Alam mo yung tipong isang buwan pa lang pero yung mga ginawa ninyo parang pangisang taon na pero ayos lang kasi natutulo naman tayong lahat. Kahit sabado ngayon bawal mag pahinga hahaha para naman sa kinabukasan ito kaya kahit mahirap ilalaba na lang talaga.
Marso 08, 2020
Ang bilis ng araw biruin mo yun pasukan na naman bukas. Gumagawa ako ngayon ng scrip for play at musical background para tuloy tuloy na yung practice namin bukas. Katatapos ko lang din ihanda yung mga gamit ko na gagamitin ko sa pagpasok bukas. Napakasaya ngayong araw kasi nakagawa na namag ako ng painting dagdag na naman yun sa collection ko at nakanood na naman ako ng movie the bar boys. Grabe yung movie na to kasi magkakaibigan sila na nag-aral ng law. Dami kong natutunan dito sa movie na ito na kahit gaano man kahirap ang pag-aaral kailangan mong lumaban para sa mga taong naniniwala at umaasa sayo. Natutunan ko din dito na kung panahon mo ay panahon mo, mabigo ka man ng paulit ulit wag ka mawawalan ng pag-asa kasi darating din yung panahon na matutupad mo lahat ng gusto mo.
Marso 09, 2020
Magandang araw ngunit napakaraming pangit na balita. Marami na ang nagsuspinde ng klase ngayong araw dahil sa bagong kumakalat na virus pero symepre taga pasig may pasok hahahaha. Katatapos lang ng klase namin practice sana kami ng musical play dahil malapit na ang aming performance kaso minabuti naming huminto dahil nagsuspindi na ng klase ang pamahalaan ng pasig dahil sa virus. Napakahirap sumakay at nagsabay sabay ang pag-uwi ng estudyante. Ginabi nako ng uwi nagpahinga muna ako saglit at nag linis ng katawan bago kumaian at matulog.
Marso 10, 2020
Tinanghali na ako ng gining buti na lamang ay walang pasok ngayon. Grabe na ang mga nangyayari sa taong 2020 na ito. Umpisa pa lang ng taon puro sakuna at kapahamakan na ang nangyayari. Sobrang bigat sa pakiramdam ang mga kaganapan. Nasa bahay lang ako gumagawa ng dapat gawin at nanonood ng balita patungkol sa kumakalat na virus.. mukang matatagalan pa bago ito matapos kaya nakakatakot isipin na yung nakasanayan kong gawin arfaw araw ay di ko na magawa.
Marso 11, 2020
Wala pa ring pasok ngayon sobrang dami na nang kaganapan kaya mas minabuti ko munang umiwas na makarinig ng masasamang balita para iwas negative. Pagsulat at paglikha ng art gamit ang paints ang pinga kakaabalahan ko ngayon. Sa pamamagitan nito naiibsan ko yung kalungkutan ko at napagsasanay ko pa yung talentong meron ako. Matagal na simula nung mag paint ako kya parang back to zero ako ngayon pero bahala na practice lang ng practice para naman kahit papano bumalik yung kakayahan ko.
Marso 12, 2020
Magandang tanghali madalas na akong tinatanghali ng gising kase madalas na akong puyat. May bagong balita na dumating ssamin. Grabe na yung virus kay bawal na lumabas samin. Wala akong masyadong ginawa ngayong araw. Gumawa lang ng gawaing bahay tapos nagaro ako ng mobile legends magdamag. Ngayong mas lalong lumalala ang virus sana wala ni isa sa pamilya naming ang mahawa katakot takot na ang mga nangyayari kaya mas mabuting manatili na lang muna sa loob ng tahanan.
Marso 13, 2020
Tulad nang inaasahan ko, ayun na nga tinambakan na kami ng gawain nakakamiss pumasok sa school. Ang hirap ng set-up kasi sabay sabay yung paggawa at pasahan. Mas ok parin sa school kasi iba parin pag may nagtuturo sayo. Ngayong independent learning na anng hirap kasi yung iba mahirap intindihin at ang may kakayahan lang magturo nito ay mga prof naming. Hiindi ko alam kung hanggang kalian mangyayari ito pero sana wag tumagal kasi napakahirap ng ganto. Sa school pa lang hirap kana ano pa kaya ngayon na nasa bahay ka at tanging sarili mo lamang ang tumutulong sayo.
Marso 14, 2020
Maaga ako gumising ngayon para simulant lahat ng gawain mahip na kasing matambakan ng gawain lalo na ngayon na tuloy tuloy ang mga pinapagawa. Katatapos lang gumawa ng activty sa google classroom at sanaysay. Ngayon na lang ulit naggamit yung google classroom at sa ganito pang pagkakataon. Ngayon patuloy parin yung mga pinapagawa samin at ayun na natatambakan nako. Buti na lamang ay hindi sunodsunod ang pasahan. Kaya sana talaga ay matapos na ito at bumalik na ang lahat sa normal dahil napakahirap ng ganitong sitwasyon.
Marso 15, 2020
Magandang araw at araw na naman ng pagtakas sa gawain hahahahha. Pahinga muna sa school works at gumawa muna ako ng art piece. Nag myday ako ng mga gawa kong arts at marami ang mga nagandahan marami din ang nag pagawa kaya naman ngayong araw ginawa ko sila ng mga art. Nag paint ako ng mga muka nila at masaya naman ako na nagustuhan nila. Halos buong araw iyon lang ang ginawa ko per napakasarap sa pakiramdam kasi nagugustuhan nila yung gawa mo kasi sa tulad ko na hindi naman batikan sa pagpipinta napakasaya marinig na may mga nagagandahan sa mga ginagawa mo. Yung iba gustonng magpagawa at magbabawad na lang pero sakin kasi yung malaman ko lang a nagandahan sila ok na sakin. Di mahalaga sakin yung pambayad eh ang mahalaga sakin ay yung napasaya ko sila sa pamamagitan ng talent na meron ako.
Marso 16, 2020
Araw na naman ng paggawa. Sa dami nang nag papagawa hindi ko uunahin ko napakasaya ko kasi marami na ang nakakapansin sa talento ko at sila yung dahilan kung bakit pinagpapatuloy ko pa. Patuloy ako na gumagawa ng mga sinig visual at maging mga tula ngayong araw na to hindi lang para pasayahin ang sarili ko pati na rin ang ibang tao.
Marso 17, 2020
Ngayong araw ko ginawa ang blog na ito. Una tinatamad ako kasi di ko naman alam kung paano ito gagawin. Hindi ko din alam kung may mapapala ako dito pero na pag-isipisip ko na maganda din pala na may ganto kasi kahit papano ay may pinaglalabasan ka ng mga saloobin mo at nakakausap mo ang sarili mo sa gantong paraan. Sa bawat araw na gumagawa ako ng talaarawan iniisip ko na para lamang ito sa project na kailangan kong gawin pero ngayon naunawaan ko kung gaano kahalaga ang gantong bagay. Ito yung bagay na magpapaalala sayo sa pagtanda mo mga simpleng bagay na maaaring sa pagdating ng panahon ay makatulong sayo.
Marso 18, 2020
Tapos ko na lahat ng nagpapagawa sakin ngayon oras naman para tumulong dito sa bahay. Tumulong ako sa mga gawaing bahay. Inayos namin ang buong bahay para mapanatili ang kalinisan. Maging ang labas ng aming bahay ay nilinis naming upang maiwasan ang anomang sakit. Sa panahon ngayon hindi lamang ang sarili ang ingatan dapat ay ingatan din natin ang kapaligiran upang wala nang mga sakit ang maglabasan at maging ligtas din tayo sa ibat-ibang panganib.
Marso 19, 2020
Isang mapagpalang araw na naman ang gumising ng malusog at masigla. Wala naman akong masyadong ginagawa kundi tumulong sa gawaing bahay at tumulong na din sa aking ina na gumagawa niyang module para sa gagamitin sa bagong pasukan. Simula nung mga nakalipas na araw marami na akong nagawang sining. Karamihan doon ay sa ibang tao. Kaya naman ngayon gagawa ako para sa maagulang ko ilang oras ko din siyang ginawa at masaya naman ako dahil nagustohan niya.
Marso 20, 2020
Magandang araw muli! Mukang matatagalan pa bago matapos itong suliranin ng bansa mahirap man ngunit kailangan parin mag patuloy. Napakasaya ng araw na ito dahil magkakasama kaming pamilya ngayon. Halos lahat kami ay bagot kaya naman nag-isip kami ng pagkakaabalahan. Nakipaglaro ako kasama ang buong pamilya. Kaming mga bata ay nag laban laban sa mobile legends habang ang matatanda ay may sariling pinagkakaabalahan. Kinagabihan naglaro naman kami ng bingo. Sa simpleng mga bagay na ginawa naming ngayon naibsan naming yung takot at naging masaya kami kahit papaano.
Marso 21, 2020
Sumulat ng tula para sa celebration ng worlds poetry. Isa ang paggawa ng poetry sa mga labasan ko ng saloobin at pakiramdam. Ito yung ginawa kong poetry.
Ikaw ang walang kamatayang ikaw
Ikaw, oo ikaw na nakahiga
Bumangon ka at harapin ang bagong umaga
Kalimutan ang kahapon na nagsasanhi ng pagluha
Pawiin ang hapdi na nagpapabigat sa paghinga
Ikaw, oo ikaw na puyat dahil gising magdamag
Dumaranas ng walang humpay na paghihirap
Binabangungot ng lungkot at pinapahamak
Ibigay man ang lahat tila 'di parin sapat
Ikaw, oo ikaw na walang gana
Handang magtiis, mapahiya sa madla
Pinipilit maging masaya sa mga mata nila
Tinatago ang sakit ng mga panghuhusga
Ikaw, oo ikaw na naman at ikaw lang lagi
Pinapatunayan ang sarili ngunit 'di nagwawagi
Lumalaban kahit katampalasanan ang makamtan sa huli
Bumabaligho sa tama ngunit tingin nila'y mali
Ikaw, oo ikaw na pagod na
Pagod nang magpaliwanag ng sarili sa iba
Pagod nang patunayan ang sarili sa bulag na mga mata
Pagod nang mapagod sa mga taong 'di nagtiwala
Marso 22, 2020
Good morning!!! Isang araw na naman para gumawa ng kung anong bagay. Ngayong kumain kasama ang buong pamilya. Nagsalosalo kami ng pagkain parang fiesta ang nagyari. Syempre hindi mawawala ang kuwentuhan, asaran at kantahan. Buong araw kami nagsaya. Naglaro kami magpipinsan at sympre pinagtripan naming mga magulang naming ngunit sa magandang paraan. Iba talaga yung epekto ng pandemyang ito. Kahit puro pasakit ang dala nito masaya ako na kahit papa-ano nagagawa naming magsamasama ulit bilang pamilya.
Marso 23, 2020
Isang araw na naman ng pag gawa. Himala at sinupag ako ngayong araw. Medyo marami na ang pinapagawa samin kaya naman simulant ko na dapat ngayon. Tinatapos ko lamang ang mga gawin sa bahay at pagkatapos ay pinanonood ko naman ang kdrama series na pinapagawa ng subject teacher sa ethics. Napakaganda ng kuwento kaya naman nasa episode 10 na ang natatapos ko. Ang ganda ng aral sa bawat kuwento na ibinabahagi ng I hear your voice. Hindi ko paman siya tapospero grabe na yung aral na binibigay sakin bilang manonood.
Marso 24, 2020
Tanghali ako nagising ngayon dahil puyat kakapanood. Kumain lang ako ng lunch ko tapos ay nag set up nako para sa pagvivideo ko ng P.E fitness. Grabe sobrang sakit ng katawan ko pagtapos. Ngayon na lang kasi ako nakapag P.E kaya siguro nanibago katawan ko pero ganon pa man ay ok na din yun para naman ma exercise yung katawan ko. Iyon lang naman ang nangyari sa akin ngayong araw pagtapos ko may P.E ay tinapos ko na din ang panonood ng I hear your voice.
Marso 25, 2020
Gumising ako ng masakit ang katawan dahil sa ginawa ko kahapon. Kaya naman nag exercise ako ulit para masanay yung katawan ko. Pagtapos ko ay nag ayos kami ng aking ina sa aming kwarto upang maayos ito kapag nag meeting na sila. Pagtapos non ay gumawa naman ako ng assignments ko at written report sa isa kong subject.
Marso 26, 2020
Magandang maganda ang araw ngayon!! Ginising ako ng aking ina dahil dumating na ang inaantay naming halaman. Napag isip-isp kasi naming na simulang mag alaga ng halaman para naman maginhawa sa pakiramdam at maaliwalas ang paligid. Isa na din itong paraan upang mag bonding kami. Una wala naman akong gana sa pagaayos dahil hindi ko hilig ang mga ito ngunit kalaunan nung nakita ko kung gaano niya binigyang buhay yung kwarto na gustohan ko na din tumulong. Maaari ko din silang gamitin bilang object sa pag paint ko. Ginabi na kami sa pag-aayos ng halaman dahil naubusan din kami ng lalagyan pero sulit parin yung pagod kasi mas pinagaan niya yung pakiramdam ko at ng buong paligid.
Marso 27, 2020
Tulad ng normal kong ginagawa ay nagcellphone lang ako magdamag at nanood ng movie. Habang tinitignan ko yung aking facebook account isang post mula sa pinaka tinitingala kong guro ang pumukaw sa aking paningin. Ito ay isang kuwento mula sa animated movie ice age 3. Isa sa mga rason kung bakit napukaw ang aking atensyon ay yung mensahe ng aking guro. It's very sad to know that ignorance and apathy in human acts put us in peril during a pandemic nevertheless salute to our frontliners who put their lives at risk to help and protect our country. It's true that during a great depression the real heroes will emerge. Iyan ang aking natutunan na gano man kalupit ang mundo at marfaming tao ang patuloy na nang gugulo meron paring mga tao na mas pinipiling tumulong sa nakakarami.
Marso 28, 2020
Isang araw na naman na puro katamaran. Whole day ako nagedit ng video para sa project nila mama. Nag experiment din ako ng ibat-ibang filters para sa videos at nag-aaral na din ako kung pano mag edit ng video using croma key. Para madali na pag nagedit sa online class. Tamang set up lang ng green backgroung at ring light. Tamang blend lang din ng lights para hindi magbakobako yung vids. Sobrang halaga na talaga ng technology ngayon kaya sinasanay ko na sarili ko para magkaroon din ako ng kaalaman patungkol dito.
Marso 29, 2020
Hey mga sir di ko na alam kung ilang araw na ang ECQ at kung ilang araw na din akong buryo sa bahay buti na lang talaga mag ginagawa ako para iwas kabaliwan. Ngayon nanonood lang ako ng vlogs at baka mag vlog na din ako sa sobrang kabaliwan hahaha biro lang. tumulong din ako maglaba at magsampay ngayon at nagdilig din ng halaman. Wala namang bago sa buhay ko pero ang bago lang ay natututo nako magluto. Ako nagluto ng pagkain buong araw at naglaba din kaya nakakatuwa at puwede nako mag-asawa haha biro lang ulit. Wala na ako masabi dahil wala naman akong ginawa ngayong araw.
Marso 30, 2020
Maaga ako nagising ngayong araw. Nagluto ako ng pangumagahan namin at maaga din ako nakapaglinis dahil sinipag ako. Minsan lang ako maglinis sa bahay pero pag naglinis ako buong bahay talaga nililinis ko. Wala namn ako masyadong ginawa ngayong araw nag cellphone lang ako at nag patulong sakin pinsan ko para magkaroon siya ng pang post na picture. Ako na din ang nag-edit nito dahil siguro iyun talaga yung pinakagusto ong part pagdating sa photography. Ako na din nagluto buong araw kaya tuluyan na akong natututo.
Marso 31, 2020
Tinanghali na ako ng gising dahil napuyat na naman ako. Nagising ako ng 5:00a.m. at di na nakatulog kaya nanood na lang ng tutorial video about editing videos and photos pati na din ng house designing. Nanood din ako ng architectural designs kase one of my dreams din yun kaya tamang nood lang ako. Pagising ko naman ayun kain lang sabay nood ulit paulit-ulit lang naman ginagawa ko at walang bago.
Abril 01, 2020
Ngayong araw ay napagpasyahan kong simulan na ang mga gawain na ibinigay sa amin ng aming mga profesor. Pagkatapos kumain ay nagpahinga muna ako saglit para makapagsimula na ng aking gawain. Pagdating ng hapon ay itinigil ko muna ang paggawa para makakain at makaligo na ako. Kinagabihan ay itinuloy ko ang ginagawa kong proyekto at sinikap na maraming matapos para makabawas na rin ng sa mga gagawin. Nang lumalim na ang gabi ay naisipan ko ng matulog dahil sa sobrang pagod na nararamdaman. Buong araw ay ito lamang ang aking ginawa para matapos ko na ito at maipasa sa takdang oras. Dahil sa pagod at antok ay hindi ko ito natapos ngunit kaunti na lamang ang kailangan gawin dito at matatapos na kaya naisipan ko na bukas ko na lang ito tatapusin kasabay ng iba pang gagawin.
Abril 02, 2020
Tanghali na ako nagising ngayong araw dahil sa sobrang pagod kagabi. Pagtapos naming kumain ay binantayan ko saglit ang aking pinsan dahil umalis ang kanyang ina para mamili ng kanilang pagkain. Nasa trabaho naman ang kanyang ama kaya ako na lamang ang nagbantay sa kaniya. Naglaro kami ng aking pinsan upang malibang siya at hindi umiyak dahil wala ang kanyang ina. Pagdating ng kanyang ina ay bumalik na ako sa amin at dumiretso sa aking pwesto para gawin ulit ang proyekto na hindi ko natapos kahapon. Maghapon na naman ako aking silid dahil sa mga requirements na malapit na ang pasahan. Ngayong araw ay masaya ako dahil natapos ko na ang kahapon ko pang ginagawa. Na kumpleto ko na at maayos na ang contemporary book namin at pwede na itong maipasa sa aming profesor. Pagtapos kong gawin ay natulog na ako para mapahinga na rin ang aking matang babad sa laptop.
Abril 03, 2020
Ngayong community quarantine ay puro paggawa lamang ng mga requirements ang aking ginagawa araw araw. Hindi rin kami makalabas kaya dito ko na lang itinutuon ang aking oras at para na rin hindi ako matambakan ng gawain. Kailangan ko rin ito matapos bago ang deadline dahil ayoko rin magkaroon ng incomplete sa records. Nakatapos na ako ng gawain kahapon kaya ngayon naman ay sa ibang subject naman ako gagawa. Sinimulan kong gawin ang requirements namin sa profed dahil malapit na rin ang pasahin nito. Inilaan ko ang buong oras ko dito dahil hindi rin ito madali. Makalipas ang ilang oras sa paggawa ay natapos ko rin ito. Masaya na naman ako dahil nakabawas ako ng mga gawain at marami rami pa ang nakapila. Nag cellphone muna ako bago matulog para tingnan kung mayroon bang bagong anunsyo galing sa aming mga profesor. Nang wala naman akong nakita ay natulog na ako para makapagpahinga.
Abril 04, 2020
Tatlong araw na ako gumagawa ng mga requirements at naisipan ko bukas naman ako gagawa. Pagtapos kumain ay nanood ako lang ako sa amin ng tv. Tinawag naman ako ng aking pinsan at inaya pumunta sa baba. Ngayong araw ay nakasiyahan kami ng aking mga pinsan. Naglaro kami ng mga ibat ibang board games para pampalipas oras at para na rin magkaroon kami ng bonding. Habang naglalaro ay nagkakaasaran kami at nagkakatuwaan na siyang nagpasaya lalo na aming laro. Masaya ako sa aming ginawa dahil nagkaroon kami ng oras sa isat isa at para kaming bumalik sa pagkabata. Pagkatapos namin maglaro ay bumalik na ako sa amin para magluto. Nagluto ako ng aming ulam at nagsaing na rin para makakain na mamaya. Kinagabihan pagtapos kumain ay naglaro kami ng online game ng aking kapatid at natulog na rin nang makarami na ng laro.
Abril 05, 2020
Linggo ngayon at araw ng paglalaba. Maaga ako nagising para makapagsimula na sa paglalaba at matulungan ang aking ina. Pagtapos naming kumain ng agahan ay inayos ko na ang mga damit na marurumi para malabhan. Ang aking ina ang sa pagsasabon at ako naman sa pagbabanlaw at pagsasampay. Hapon na ng matapos kami sa paglalaba at naisampay ko na rin ito. Pagtapos namin maglaba ng aming mga damit ay naghanda ang aking ina ng aming meryenda para makakain at makapagpahinga. Nang matapos ang aming pagkain ay nanood kami ng tv at maya maya ay nagluto na ako ng aming kakainin para sa hapunan. Bago matulog ay nanood ako ng mga ibat ibang pelikula na pwedeng panoorin.
Abril 06, 2020
Lunes ngayon at nakakapanibago talaga. Noon tuwing lunes madaling araw pa lang nagigising na para makakain, makaligo at makapagayos na dahil baka mahuli ako sa unang klase ko pero ngayon lunes na lunes tanghali ako nagising. Dahil nga suspendido parin ang klase at nasa bahay lang ako wala akong ibang gagawin kundi tapusin ang mga requirements. Ngayong araw naman ay gumawa ulit ako ng mga gawain sobrang daming nakapila sunod sunod. Pag tinitignan ko mga gagawin ko nakakahilo talaga. Nang sinipag na ako gumawa ng mga assignment ay sinimulan ko ng kumilos para may matapos ulit. Pagtapos ng ilang oras sa paggawa ay huminto ako saglit para kumain at nakipagkwentuhan. Gabi na ng matapos ko ang mga ginagawa ko at sa ibang araw naman ang iba. Pagtapos sa paggawa ay naisipan ko ng matulog.
Abril 07, 2020
Ngayong araw ay nagkatuwaan kami ng aking mga pinsan at nagtayo kami ng swimming pool sa loob ng bahay dahil sa sobrang init ng panahon. Pinagtulungan namin maitayo ang pool at mapuno ng tubig. Unang gumamit ang iba kong mga pinsan at kita naman na sayang saya sila. Pagdating ng gabi ay kami naman ang nagsaya sa pagligo. Matagal din kaming nagbabad dahil sobra kaming nag eenjoy sa pagligo. Nagkainan rin kami habang naliligo na parang totoong nag outing kami. Malalim na ang gabi pero nagsasaya parin kami. Nang mapagod na ako sa paglangoy ay umahon na ako at naligo. Pagtapos nito ay nag cellphone lang ako saglit at natulog na rin.
Abril 08, 2020
Matagal tagal pa ang community quarantine kaya sa tingin ko matagal tagal din ako magkukulong sa amin dahil wala rin naman akong gagawin sa labas. Nasa loob lang ako ng aming kwarto kaya naisipan ko na maglinis na lang at ayusin ang mga gamit namin. Habang naglilinis ay nagpapatugtog ako ng mga kanta para mas lalo akong ganahan. Nagtapon din ako ng mga bagay na hindi na kailangan at sa tingin ko ay kalat lang. Pagtapos kong maglinis ay naligo na ako dahil sa dumi at pawis sa aking katawan. Nagutom ako sa paglilinis kaya pagtapos nito ay kumain na ako ng hapunan. Bago ako natulog ay naglaro ako ng online games sa cellphone at nanood rin ng mga videos para antukin at makatulog na.
Abril 09, 2020
Ngayong araw ay naisipan ng aking ina magpintura kami ng aming bahay. Tinulungan ko sila na magpintura dahil marunong naman ako at pumayag sila. Ilang oras din kaming nagpipintura dahil tinatanggal pa namin ang mga gamit na nakaharang. Habang ginagawa naman namin ito ay pinaghanda kami ng makakain ng aming ina dahil kanina pa kami rito. Naging makalat rin ang bahay dahil nagtanggal ng mga gamit. Pagtapos namin magpintura ay hinayaan muna namin ito saglit para matuyo ng maayos. Maya maya ay tinulungan ko na aking ina na magbalik ng mga gamit at maglinis. Nanood din kami ng mga pelikula sa tv pagtapos kumain. Nagkatuwaan ang bawat isa sa amin dahil sa nakakatuwang palabas. Pagtapos namin manood ay kumain na kami ng hapunan at nag hugas ako ng mga plato na pinagkainan. Wala na akong ibang gagawin kaya naglaro na lang ako ng online games sa cellphone bago ako natulog.
Abril 10, 2020
Sinisipag na naman ako kaya naisipan ko ulit na gumawa ng mga requirements dahil mayroon na namang nadagdag sa aking mga gagawin. Tanghali na ako nagigising kaya hapon ko na rin nasisimulan ang paggawa ng mga requirements. Habang gumagawa ako ay nararamdaman ko na ang sakit ng mga mata ko dahil sa tagal kong nakababad sa laptop. Nakakapagod pero kailangan tapusin para walang kulang sa records. Nag pokus ako ng maigi sa paggawa para matapos ko ito ngayong araw. Gumabi na kaya hininto ko muna ito para makapagluto ng aming makakain para mamaya. Habang kumakain ay nanonood din kami ng balita sa tv para malaman ang bagong bilang ng mga nagpopositibo sa virus. Pagtapos kumain ay bumalik na ako sa aking ginagawa at pinagpatuloy ang paggawa ng requirements. Nang matapos ko na ang pagsagot ay natulog na ako para makapagpahinga.
Abril 11, 2020
Paggising ko ng umaga ay kumain na agad ako dahil tinatawag ako ng aking ina para magpatulong sa kanyang mga ginagawa. Inutusan ako ng aking ina na tulungan siya sa pagrerecord ng mga grado ng kanyang mga estudyante. Maghapon ay ito ang aming ginagawa dahil sa dami ng mga estudyante at kailangan isa isahin ang kanilang mga record. Tinuruan ako ng aking ina kung paano ito gagawin kaya hindi ito naging mahirap para sa akin. Pagtapos namin gumawa ay tinawag na kami ng aking ama para makakain na. Matapos ito ay naligo ako dahil sa init ng panahon. Bago matulog ay itinuloy ko ang ginagawa ko na inutos sa akin ng aking ina at ng makuha ko na lahat ng grado ng mga estudyante ay ibinigay ko na ito sa aking ina at natulog na rin.
Abril 12, 2020
Ngayon ay wala akong ibang ginawa kundi ang manood ng mga pelikula sa laptop. Nasa loob lang ako ng aming kwarto at nanonood ng ibat ibang pelikula na pinasa sa akin ng aking pinsan. Pahinga muna ako ngayon sa paggawa ng requirements at susunod na mga araw ko na lang ito gagawin ulit. Marami na rin akong natapos na mga gawain pero marami parin ang mga nakaabang na gawain na kailangan tapusin. Inihinto ko mun ang aking panonood dahil inutusan na akong magluto ng aking ina ng aming pagkain at nagsaing na rin. Nang matapos na ang aking niluluto ay kumain na kami at ako na rin nag naghugas ng mga platong pinagkainan. Pagtapos nito ay bumalik na ako sa aking higaan at pinagpatuloy ang aking panonood. Nakatapos na ako ng tatlong pelikula kaya napagpasyahan ko ng magpahinga.
Abril 13, 2020
Ngayong araw naman ay inilaan ko ang aking oras sa pagguguhit. Ito ang aking hilig gawin pag may oras at walang masyadong ginagawa. Nakakatanggal pagod pag ito ang ginagawa ko. Gumuguhit ako ng kahit anong maisip ko at kung minsan naman ay larawan ng aking mga kaibigan. Nakakapagguhit ako kapag nasa pokus. Pagtapos nito ay inaya ako ng aking kapatid na maglaro ng online games. Nagkakatuwaan kaming magkapatid habang nasa gitna ng laro kaya hindi ko na namalayan ang oras at maggagabi na pala. Tinawag na kami ng aking ina para kumain. Matapos kumain ay naghugas na ako ng mga hugasan at naligo para makatulog. Bago matulog ay nakipagkwentuhan ako sa aking ina habang gumagawa siya ng kanyang trabaho. Maya maya pa ay nakaramdam na ako ng antok kaya natulog na ako.
Abril 14, 2020
Ipinagpatuloy ko na ulit ang paggawa sa aking mga requirements dahil ilang araw na rin akong walang ginagawa. Sinimulan ko itong gawin pagtapos makakain ng tanghalin. Sinagutan at tinapos ko na ang mga gawain na madali lang at kayang tapusin ngayong araw. Nakakapagod ang paggawa pero tuloy lang para makabawas ng gawain at hindi mahuli sa pagpapasa. Huminto muna ako sa paggawa para kumain at magpahinga. Tinawag naman ako ng aking pinsan para maglaro ng online games. Sa gitna ng aming paglalaro ay sumali na rin sa amin ang iba ko pang pinsan pati na rin ang aking kapatid. Nagkakasiyahan kami sa paglalaro sa tuwing kami ay nananalo. Pagkalipas ng ilang oras lang ay tumigil na kami dahil kanina pa kami naglalaro. Kinagabihan ay itinuloy ko na ang paggawa at masaya ako dahil natapos ko naman ito at natulog na rin dahil sa sobrang pagod at sa sakit ng ulo.
Abril 15, 2020
Paggising ko ay binuksan ko ang cellphone para tingnan kung may anunsyo ba o may bagong gagawin. Nakita ko ang mensahe ng aming guro at binigyan niya kami ng gawain patungkol sa mga hindi namin natalakay na mga aralin. Kumain lang ako at naligo para maggawa ko na ang pagsasaliksik dahil sa lunes na ito ipapasa at sabado na ngayon. Marami ang kailangan kong hanapin sa internet kaya dapat na itong masimulan para umabot sa oras ng pasahan. Inabot na rin ako ng gabi sa paggawa nito dahil marami ang kailangan kunin at malawak rin ang sakop ng bawat aralin. Kumain muna ako dahil nagutom ako sa paggawa at oras na rin ng pagkain kaya tumigil muna ako at ipagpapatuloy ko na lang ito mamaya. Pagtapos kumain, maghugas at maglinis ay ipinagpatuloy ko na ang ang activity na aking ginagawa. Lumalalim na ang gabi at malapit ko na rin ito matapos. Habang tumatagal ay nararamdaman ko na ang pagod at sakit ng mata. Ilang oras pa ay natapos ko na rin ang lahat ng dapat kong makuha at pwedeng pwede na ito maipasa sa lunes.
Abril 16, 2020
Wala na naman akong magawa ngayon kaya pagguhit na naman ang naisipan kong gawin. Para maiba ay hindi ko ito sa papel gagawin dahil digital drawing naman ang susubukan kong pag aralan. Sinimulan ko ang pagguhit gamit ang aking cellphone at aking sariling larawan ang kinuha ko para gayahin. Hindi naging madali ito at masakit sa kamay pero pursigido parin akong matuto. Ilang oras ko rin itong ginawa at maayos at maganda naman ang kinalabasan nito. Susubukan ko ulit sa susunod na araw at papagandahin pa lalo ang aking gawa. Pagtapos ko rito ay nanonood na lang ako ng tv dahil may magandang pelikula silang pinanonood kaya sumama na rin ako. Habang nanonood naman ay tinawag ako ng aking ina para magpaedit ng picture. Ito naman ang aking ginawa ng ilang oras at ng matapos na ako dito ay ibinigay ko na ito sa aking ina. Naghanda na rin ako ng pagkain para sa aming hapunan at kumain na kami. Natulog na ako ng wala na akong ibang gagawin.
Abril 17, 2020
Naging masaya ako sa kinalabasan ng aking hnang digital drawing kaya gumawa ulit ako ng panibago ngayon. Kinuha ko ang larawan ng aking kaibigan para gayahin. Katulad ng una kong gawa ay hindi rin ito naging madali. Matagal ko rin itong ginawa dahil nais kong maging mas maganda ang kalabasan nito kumpara sa una kong guhit kaya pinaglaanan ko ito ng oras. Pagtapos kong mag digital drawing ay naisipan ko naman na manood ng mga video sa youtube. Natuwa ako sa mga ibat ibang vlogs kaya marami akong napanood at napatagal ako dito ng hindi ko na namamalayan ang oras. Gabi na ng lumabas ako ng kwarto para tulungan ang aking ina sa pagluluto ng aming pagkain. Naghain na ako para makakain kami. Nagkwentuhan at nagkatuwaan kami habang kumakain at matapos ito ay nagpahinga na ang lahat.
Abril 18, 2020
Mahilig ako sa musika at ito ang aking nagiging libangan at kung minsan ay kasama ko ang aking ina sa pagpapatugtog at pagkanta. Ngayon naman ay sinusubukan kong aralin tumugtog kalimba. Masakit ito sa kamay ngunit pag nagpag aralan ay masarap itong pakinggan. Nakakaengganyo ang pagpapatugtog dito. Kasama ko ang aking pinsan dito at sabay naming inaral kung paano ito papatunugin ng maayos. Kailangan itong pag aralan ng husto dahil siya ganon kadali. Pagtapos namin itong aralin ay naglaro naman kami ng online games. Minsan ay ito ang nagiging bonding namin magpipinsan. Nagkakatuwaan kami sa paglalaro habang nag aasaran ang bawat isa. Matapos ang pag aaral tumugtog ng kalimba at maglaro ay tinulungan ko ulit ang aking ina sa kanyang mga gagawin. Kaming dalawa ng aking kapatid ang kasama ng aking ina sa pagtapos sa kanyang trabaho at tulad ng aking gawain ay nakakapagod rin ito. Pagtapos namin gumawa ay kumain na at natulog.
Abril 19, 2020
Maaga ako nagising para gawin ang iba ko pang mga requirements na kinakailangan ng ipasa. Bawat araw ay inuunti unti ko ang paggawa dito at masaya ako sa tuwing nababawasan ang mga gagawin ko. Pagtapos mag almusal ay sinimulan ko na ang paggawa dito at madali ko rin itong natapos. Pagdating ng hapon ay may bago akong naisipan na pwedeng gawin at pag aralan habang walang pasok. Kahapon ay pinag aralan ang pagpapatugtog ng kalimba at ngayon naman ay pinag aralan ko tumugtog ng piano. Mag isa lamang ako sa aming kwarto habang nag aaral mag piano. Natuwa naman ako habang inaaral ito dahil nagagawa kong patugtugin ang mga hilig kong kanta. Sumama rin ang aking ina sa pagpapatugtog nito at nagkakasiyahan kaming dalawa habang inaaral ito. Pagtapos kong aralin ang piano ay nagpatulong sa akin ang tita sa kaniyang ginagawa at natapos din namin ito kaagad. Itinuloy ko ang pag papatugtog ng piano pagtapos namin makakain at natulog na rin ng makaramdam na ng antok.
Abril 20, 2020
Ngayong araw ay ipinagpatuloy ko ang paggawa ng requirements sa P.E. Video ito ng mga ibat ibang exercises na kailangan mabuo. Mahabang oras din akong nag vivideo dahil marami ang kailangan gawin o tapusin. Sa isang exercise ay maraming beses itong kailangan gawin kaya tumagal ako sa paggawa. Pagtapos ko itong gawin ay nakaramdam ako ng sakit ng katawan dahil na rin siguro minsan ko na lang din itong gawin. Matapos kong mag video ay nagpahinga ako ng panandalian. Kumain na kami at naligo ako dahil sa pawis sa aking katawan dahil sa aking ginawa. Tinapos ko na rin ang pag edit ng video bago ako matulog. Ilang oras bago ko rin natapos ang pag eedit at pwede ko na ito ipasa. Hindi pa rin ako inaantok kaya naisipan kong maglaro na lang ng online games sa aking cellphone. Sa tuwa ko sa paglalaro ay umaga na ako nakatulog at napuyat dahil sa kakalaro.
Abril 21, 2020
Jamming with pinsan using ukulele guitar and other stuff. Si lolo talaga yung dahilan bakit kaming mga apo niya ay mahilig sa musika. Bata pa lang kami lagi kami pinapakanta ni lolo. Kaya napakasaya kasi ngayon na ulit muli namin yung ginagawa namin ang saya kasi Di parin nagbabago si lolo. Mitikoloso parin pagdating sa mga boses namin. Ang sarap ulit ulitin ng mga gantong bagay na masaya ka lang habang kasama mo pamilya mo. Masaya ako dahil napasaya namin si lolo alam kong matagal niya ring inintay yung pagkakataon na to say lahat kaming apo niya ay makasama niya ulit sa kantahan.
Abril 22, 2020
Bukas ay kaarawan ng aking ina at dahil community quarantine parin hanggang ngayon ay nag isip ako ng paraan para may maibigay akong regalo at maipagdiwang namin ang kanyang kaarawan kahit simpleng paraan lamang. Napagpasyahan namin na mag bake ng cake para sa aking ina at supresahin ito. Pinagtulungan namin ng aking tita ang paggawa ng cake at nasiyahan kami sa paggawa nito dahil nilagay namin ang gusto naming maging desenyo nito. Pagtapos ay inilagay ko na ito sa refrigerator para maibigay bukas sa aking ina. Pagdating ng hapon kinuha ko ang mga art.materials at naisipan na gumuhit at magpinta. Natutuwa ako sa tuwing may natatapos ako dahil nakikita ko ang aking mga likha na pinaghirapan. Pag aaralan ko pa ito ng husto at pagagandahin pa lalo ang mga gawa ko. Kinagabihan pagtapos ng hapunan ay gumawa ulit ako ng mga gawain na hindi ko pa natatapos. Inumaga na ulit ako sa pagtapos ng aking mga requirements at ramdam na ulit ang sakit ng ulo at katawan kaya natulog na ako pagtapos nito.
Abril 23, 2020
Ito na ang araw na isusupresa namin ang aking ina dahil kaarawan niya. Gumising kami ng maaga dahil napagpasyahan namin na paglutuan ang mga frontliners na nagseserbisyo sa aming barangay. Tumulong ako sa pag aayos ng lulutuin at mga lalagyan ng pagkain. Pagtapos magluto ay inayos na namin ito sa mga kaniya kaniya nitong mga lalagyan para maipamahagi na sa mga frontliners. Ito ang aming naisip na paraan para pasalamatan ang mga frontliners sa lugar namin sa araw araw nilang pagbabantay para maisaayos ang aming barangay at masiguro ang kaligtasan ng bawat isa. Nakakataba ng puso ang pagtulong kaya hindi lamang sila ang napasaya namin kundi pati na rin ang aming mga sarili o pamilya. Pagtapos nito ay ibinigay na namin ang sarili naming gawa na cake para sa aking ina. Simpleng regalo para siya naman ang aming pasayahin. Pagtapos ding iyon ay kumain na kami ng simpleng handaan para ipagdaos ang kanyang kaarawan.
Abril 24, 2020
Ipinatupad ng gobyerno na bawal muna ang ibat ibang selebrasyon gaya ng graduation dahil iniiwasan ang pakikisalamuha ng mga tao at maiwasan ang pagkalat ng virus. Bilang isang guro ang aking ina ay hindi matutuloy ang graduation ng kaniyang mga estudyante ngunit nais parin niyang batiin ang bawat isa. Inutusan ako ng aking ina na gumawa ng video para sa graduation ng kanilang mga estudyante na hindi natuloy. Sinimulan ko ito ng hapon pagtapos ko manood ng tv at kumain. Hatinggabi na ngunit hindi ko parin ito natatapos dahil sa dami nila at may ibat iba pang nakalagay dito bukod sa mga pangalan at larawan ng mga estudyante. Nakakalungkot lang na hindi natuloy ang pinakahihintay na seremonya ng mga estudyante at ng kanilang mga magulang. Minsan lang ito mangyari kaya nakakapanghinayang na hindi nila ito naranasan sa pinakamasayang taon ng kanilang pag aaral. Sa kabilang banda ay mabuti na rin ito upang masiguro ang kanilang kaligtasan at hindi mahawaan ng sakit sa sino mang makakasalamuha nilang ibang tao.
Abril 25, 2020
Habang quarantine parin ay pinag aaralan ko ang mga bagay na hilig ko tulad ng pagpipinta. Isa rin ito sa mga ginagawa ko sa tuwing walang pasok at walang masyadong gagawin. Sa paraan na ito ay naibabaling ko ang aking atensyon sa aking ginagawa at hindi sa mga bagay bagay na pinoproblema ko. Tanghali ng matapos ko ang pagpipinta at kumain na ako. Pagtapos nito ay natulog na lang ako at naggising ng hapon. Pinagluto na rin ako ng aking ina ng aming kakainin para mamaya. Matapos nito ay inutusan ko ang aking kapatid na siya na ang maghugas ng plato. Noong gabi narin na iyon ay gumawa ulit ako ng bagong painting dahil hindi ako makatulog. Pagtapos ng pagpipinta ay nag cellphone na lang ako para magbasa ng mga bagong mensahe sa aming mga profesor tungkol sa aming mga gawain na dapat ipasa at mga araw at oras ng aming pagsusulit.
Abril 26, 2020
Sinimulan ko ang araw ko sa paggawa ng mga proyekto na matagal na naibigay sa amin. Paggising ko kumain na ako upang makapagsimula na sa aking gagawin. Inayos ko ang mga gamit na kakailanganin ko sa paggawa ng aking mga proyekto. Habang gumagawa ay nagpapatugtog din ako. Sa mag hapon kong paggawa ay hindi ko na namalayan ang oras at tinawag na ako ng aking ina. Tinulungan ko ang aking ina sa pag aayos ng kanyang mga gamit sa eskwelahan dahil nagtatrabaho siya ngayon sa bahay. Gabi na ng ipinagpatuloy ko ang paggawa at ilang oras lang ay nakaramdam na ako ng pagod kaya itinigil ko na ito. May dalawa akong natapos na gawain na sa tingin ay tama na iyon para sa araw na ito at sa ibang araw naman ulit ako gagawa. Parang tingin ko ay hindi ako nababawasan ng gawain dahil sa dami at talagang nakakapagod ngunit kailangan ko parin itong matapos lahat kaya kakayanin parin.
Abril 27, 2020
Naisipan namin ng aking pinsan na manood ng marami at ibat ibang pelikula sa bahay. Gamit ang isang flash drive ay inayos namin ang bahay upang mas maging komportable kami sa panonood. Naghanda rin kami ng aming pwedeng makain habang nanonood. Ibat ibang uri ng pelikula ang aming pinanood at talagang nakakaaliw ito kaya nakarami kami ng pelikula. Tanghali ng nag umpisa kami sa panonood at natapos ng hapon. Naging masaya ang aming ginawa at nais pa namin itong ulitin sa mga susunod na araw kapag wala ulit masyadong gagawin. Pagtapos manood bumalik na ako sa amin para tignan ang aking cellphone. Kinuha ko na ang mga larawan na pinadala sa akin ng aking mga kaklase para ito ay edit at maisama na sa isa pa naming proyekto na kinakailangan ng matapos dahil malapit na ang pasahan nito. Matapos iyon ay naghanda na ako ng aming makakain at naglinis upang makatulog na.
Abril 28, 2020
Sa ngayon ay sa bahay nag tatrabaho ang aking ina habang nasa ilalim parin ng community quarantine ang buong metro manila. Upang mas maging komportable siya sa kanyang paggawa ng mga kinakailangan sa kaniyang trabaho ay naisipan niyang gumawa ng sarili niyang pwesto o lamesa. Tinulungan ko ang aking ina sa pag iisip kung paano ito lalagyan o aayusin. Katuwang ang aking ama ay ginawa namin ang nais ng aking ina. Nilagyan namin ito ng lamesa o patungan na maaring niyang paglagyan ng mga gamit at gamitin sa paggawa. Matapos iyon ay inayos ko ang kanyang mga gamit at nilagyan ng mga dekorasyon upang mas maging maganda itong tignan. Pagtapos namin iyong gawin naglaro kami ng online games ng aking kapatid dahil sa wala na itong magawa sa bahay at nabuburyo na rin. Habang naglalaro ay nagkakaasaran kung kayat mas humaba ang aming oras sa paglalaro. Maayos na ang lahat at tapos narin kami sa paglalaro kung kayat naghanda na kami ng aming kakain sa hapunan. Habang kumakain ay nanonood ako ng balita upang malaman ang nangyayari sa paligid.
Abril 29, 2020
Ipinagpatuloy ko ang pag aaral ko sa pagtugtog ng kalimba. Hindi parin ako ganon karunong kayat konting aral pa at matututunan ko rin ito at magiging maayos ang aking pagtugtog. Tinulungan rin ako ng aking pinsan sa pagpapatugtog nito dahil parehas naming nais matutunan ito maging magaling sa pagpapatugtog. Ilang oras pa ay unti unti ko ng natitipa ang tamang tono ng kanta na aking ineensayo ngunit hindi pa ganon kaganda at tama. Matapos ang pag aaral ng kalimba ay inilabas ng aking pinsan ang kanyang gitara at nagsimulang patugtugin ito. Talagang hilig namin ang musika kaya masaya kami sa tuwing nagkakaroon kami ng ganito at naaaral namin ang mga nais naming matutunan. Pagtapos nito ay bumalik na ako sa amin at inaral muli ang kalimba. Dito ay mas nakapagpokus ako dahil mas napapakinggan ko ng maayos ang tunog. Nakakatuwa at malapit ko na itong matutunan at mapapatugtog ko na ito ng maayos at tama na sa tono.
Abril 30, 2020
Tinawag ako ng aking kapatid upang magpatulong sa kanyang ginagawa. Nakita ko na may drawing siyang nais ipagawa sa akin. Bago ko ito sinimulan ay naglinis muna ako ng aming bahay dahil maraming ginagawa ang aking ina kung kayat ako na lamang ang gumawa nito. Nakakapagod ang paglilinis at sumabay pa ang sobrang init ng panahon kaya nakakatamad kumilos dahil ramdam na ramdam ang init. Matapos ang paglilinis ay binalikan ko ang aking kapatid at tinulungan na siya sa kanyang ginagawa. Iginuhit ko ang nais niyang ipagawa. Nais niya itong maging maganda at maayos ang kalabasan kaya nagpokus ako upang maiguhit ng maayos ang bawat detalye nito. Pagtapos nito ay bumalik ako sa kwarto upang matulog dahil sa sobrang antok. Gabi na ng ako ay magising at dumiretso na sa kainan. Hatinggabi na ngunit hindi parin ako nakakatulog dahil gabi na rin ng nagising ako kaya nanood na lamang ako ng mga videos sa cellphone bago nakatulog muli.
Panibagong buwan na naman at hanggang ngayon ay lockdown parin. Ngayong buwan ay tingin ko mas lalo akong magiging tutok sa aking mga gawain sa eskwelahan dahil malapit na ang final exam. Umaga pa lamang ay nag iisip na ako ng pwede kong gawin ngayong araw. Napagpasyahan ko na maglinis ng aming bahay dahil malapit na rin ang araw ng linggo at iyon ay araw ng paglalaba ng mga damit. Matapos namin kumain ng tanghalian ay nagsimula na ako sa paglilinis ng bahay. Inayos ko na rin ang mga gamit na wala sa tama nitong lagayan. Maggagabi na ng matapos ko ang pagliligpit at naligo na muna upang makapag ayos na ng makakain. Pagkatapos kumain ay dumiretso na ako sa higaan dahil sa pagod na nararamdaman. Sa sobrang pagod sa kalahating araw ng paglilinis ay naisipan kong matulog na agad.
May 2, 2020
Tanghali nang ako ay magising ay tinawag ako ng aking ina upang magpatulong sa paggawa ng video para sa kaniyang ginagawa. Bago ko ito gawin ay inayos ko muna ang mga proyekto ko na ginagawa dahil balak ko itong tapusin ulit. Sinimulan ko na ang pag eedit ng video na pinapagawa sa akin. Hindi ito madali dahil marami ang nakalagay dito na siyang nakapagpahaba ng oras. Buong araw ay ito ang aking ginagawa dahil kailangan isa isahin ang mga slide na nakalagay dito at ang iba pang video na nakapaloob dito. Pagdating ng gabi ay huminto muna ako para maghanda ng pagkain dahil maraming ginagawa ang aking ina. Tinulungan ko ang aking ama sa pagluluto at paghahain. Pagtapos kumain ay binalikan ko ang video na aking ineedit at pinagpatuloy ang paggawa dito. Hating gabi ng sa wakas ay natapos ko ito at ibinigay ko na sa aking ina.
May 3, 2020
Araw na naman ng linggo ibig sabihin ay araw na naman ng labahan. Ginising ako ng maaga ng aking ina para makapaglaba kami ng maaga at maaga rin matapos. Ako ang laging katuwang ng aking ina sa paggawa nito. Kumain na muna kami ng agahan at nanood saglit ng tv bago magsimula. Habang naglalaba ay nag papatugtog din kami para ganahan at malibang na rin. Natapos namin ito ng hapon at sinimulan na rin ang pag sasampay nito para mapatuyo na at maitago. Gumawa ako ng pagkain na maaari naming makain ng aking ina dahil kanina pa kami naglalaba at nakakaramdam na rin ng gutom. Pagtapos maglaba at magsampay ay nag ayos naman kami ng pagkain na aming kakainin para sa hapunan. Matapos kumain ay naisipan ko na manood at maglaro ng online games sa aking cellphone bago ako natulog.
May 4, 2020
Kasama ko ang aking pinsan sa aming bahay para siya ay alagaan at bantayan saglit dahil ginagawa ang kanyang ina. Madalas itong nasa bahay namin kaya hindi na rin siya umiiyak kapag iniiwan siya dito at kami ang nakakasama. Para malibang at makapaglaro ay pinapanood ko siya ng mga palabas na pambata sa cellphone. Tuwang tuwa naman ito kayat hindi ako nahirapan na alagaan siya. Ilang oras lang ay dumating na ang kanyang ina at kinuha na siya. Pagtapos nito ay kinuha ko na aking sinampay naming damit kahapon para ito ay maiayos na at maitago. Matapos ayusin ang mga damit ay nagluto ako ng pagkain para mamaya. Nanood din kami ng pelikula sa tv bago kumain. Pagtapos kumain ay inutusan ko ang aking kapatid na maglinis ng pinagkainan at ako naman ang nag ayos ng aming higain para makatulog na.
May 5, 2020
Malapit na ang aming pagsusulit kaya sinimulan ko ulit gawin ang aking mga requirements dahil nalalapit na ang sabay sabay na pasahan nito. Marami pa ang aking gagawin at kailangan ng tapusin kaya inilaan ko ang buong araw ko sa paggawa nito. Umaga pa lamang paggising ay inihanda ko na agad ang aking gamit sa paggawa. Pagtapos kumain ng agahan ay sinimulan ko na ito para mayroon akong matapos ngayong araw at hindi na matambakan pa ng gawain. Tanghali ng tawagin ako para kumain. Pagtapos kumain ay ilang saglit lang bumalik na ako sa aking ginagawa. Wala pa ako sa kalahati kaya mas lalo pa akong nag pokus dito para hindi mahinto sa paggawa. Pagdating gabi ay lumabas ako ng aming kwarto para makapaghanda ng hapunan. Matapos non ay naghugas ako ng aming pinagkainan. Bumalik ako sa aking ginagawa ng matapos ko na ang lahat ng gagawin sa amin. Inabot naman ako ng madaling araw sa paggawa nito at napakasaya dahil natapos ang proyekto ko.
May 6, 2020
Ngayon ay panibagong paggawa na naman ng requirements ang aking gagawin. Araw araw ay ito na aking laging gagawin dahil sa araw ng pasahan na aking hinahabol. May oras pa ako para tapusin ang lahat ng ito kaya bawat araw ay sinisiguro ko na mayroon akong magagawa at matatapos. Sinimulan ko gawin ang pagsagot sa mga tanong at paggawa ng mga sanaysay na ibinigay sa amin. Hindi ko ito mabilis natapos dahil kinakailangan may lalim ang pagtalakay dito kaya siniguro ko muna ang bawat impormasyon na aking ilalagay bago ito ipasa. Pagtapos ng mga tanong at sanaysay ay panibagong gawain ulit ang aking ginawa. Sa kalagitnaan ng aking paggawa ay nakaramdam ako ng sakit ng ulo kaya itinigil ko muna ito at nagpahinga. Nakinig na lang ako ng mga kanta habang nakahiga. Maya maya ay bumalik na ako sa gawain ng umayos na aking pakiramdam. Matapos ang paggawa ng mga gawain ay napagpasyahan ko na ang matulog at bukas ay itutuloy na lang ang ginagawa.
May 7, 2020
Malapit na ang kaarawan ng aking tito kaya nag iisip kami kung ano ang maaari naming gawin sa loob ng bahay para ito ay ipagdiwang dahil bawal parin ang lumabas. Sa sobrang init ng panahon ay naisip namin na magtayo ulit ng swimming pool sa loob ng bahay at dito rin namin gagawin ang kaarawan. Bumili ako ng pool sa isang online shop para mayroon kaming sarili sa bahay at pwedeng magamit sa aming gagawin. Pagtapos nito ay pumunta kami sa bahay ng aking pinsan at doon ay nag kwentuhan lang kami at nagtatawanan. Gumawa rin kami ng mga videos sa isang app na sumasayaw. Nagkakasiyahan kami sa paggaya ng mga sayaw kaya marami ang aming nagawang videos. Matapos ito ay bumalik na ako sa amin at naglaro ng online games para pampalipas oras. Tinawag na rin ako ng aking ina upang makakain na at makatulog pagkatapos.
May 8, 2020
Ngayong araw ay nagkaroon ulit kami ng bonding kasama ang aking mga pinsan pati si lolo. Nag jamming ulit kami tulad ng ginawa namin noon. Nagkantahan kami at gamit sa pagpapatugtog ang gitara. Tulad nung una ay naging masaya ulit ang aming kantahan at kita namin ang tuwa sa aming lolo habang ginagawa namin ito. Gustong gusto ko ang mga ganitong ganap dahil nagkakasiyahan ang bawat isa at bumabalik ang mga dati naming ginagawa. Pati ang aking ina ay hilig din ang pagkanta kaya minsan ganito rin ang ang ginagawa naming dalawa sa aming bahay kapag walang masyadong ginagawa. Pagtapos ay nagpaturo naman ako sa aking pinsan kung paano gamitin ang gitara dahil nais ko rin itong matutunan. Tinuruan naman niya ako sa paggamit nito. Ilang oras din kaming nagkakantahan at hindi na namalayan ang oras dahil sa sobrang pagkalibang. Sa gabi naman ay nagluto kami ng aking ama ng aming pagkain at naglinis ng mga pinagkainan. Matapos iyon ay nanood kami ng mga magagandang pelikula sa tv bago kami natulog.
May 9, 2020
Nung isang araw ay bumili ako ng pool sa online para mayroon kaming gamit bukas dahil kaarawan ng aking tito. Ngayon ay dumating na aking binili at napakasaya dahil dumating ito isang araw bago gamitin. Tama lang ang laki nito para sa amin at siguradong magsasaya kaming lahat dito. Gumawa ulit kami ng cake para ibigay kay tito para sa kanyang kaarawan. Pagtapos ay bumalik ako sa amin para gumawa naman ng mga school activities. Ginawa ko na at sinagutan ang mga activities na puro tanong ang laman. Marami ang tanong bawat activity ngunit hindi naman ito ganoon kahirap at kayang kayang itong sagutan. Gabi na ulit ako natapos sa paggawa nito at ngayong araw ay masaya ako dahil hindi lamang isa ang aking natapos. Maipapasa ko na ito kung sakaling hingin na ng aming propesor. Bago matulog ay naglaro kami ng aking kapatid ng online games. Sa tuwing hindi makatulog at hindi pa inaantok ay ito ang aming ginagawa. Kung minsan ay isa at kalahating oras kami naglalaro dahil sa masaya itong laruin sa tuwing mananalo at magpupursigi naman na manalo sa tuwing natatalo.
May 10, 2020
Ipinagdiwang namin ang kaarawan ng aming tito ngayong araw. Dito ay ginamit ang swimming pool na nabili ko. Tinulungan ko sa pagluluto ang aking mga tita at sa paghahanda ng mga pagkain. Ang mga tita ko ang nagluluto at ako naman sa paghihiwa ng mga redako at pag aayos ng lamesa. Pagtapos non ay inayos naman namin ang pool at sinimulan na itong punuin ng tubig para amin ng magamit. Matapos ang lahat ng pag aayos ay tinawag na namin ang aming tito para siya ay kantahan at ipakita ang aming ginawa. Buong araw ay nagkakasiyahan kaming pamilya at sinabayan pa ng kantahan na siyang mas lalong nagpasa sa kaniyang kaarawan. Masaya kaming lahat dahil napasaya namin ang aming tito sa aming ginawang salo salo para sa lahat. Pagtapos ng kainan ay nag umpisa na kaming maligo sa pool na aming itinayo. Inabot na kami ng gabi sa pagbababad sa tubig at sa kantahan. Hatinggabi ay naiwan kaming mga matatanda sa pool at nagsasaya parin. Ilang oras pa ay tumigil na rin ako at umahon na. Bumalik ako sa amin at naligo pagtapos ay dumiretso na sa higaan para makapagpahinga dahil sa pagod na naramdaman ko.
May 11, 2020
Kahapon ay sobra ang aming kasiyahan dahil kaarawan ng aming tito. Ngayon ay balik na naman ako sa hilig kong gawin at ito muna ang gagawin ngayong araw. Kinuha ko ang mga papel at lapis na gamit ko at inayos ito upang masimulan ko na ang pagguhit. Napagisipan ko na magguhit na muna ngayon at sa ibang araw ko na lamang gagawin ang mga dapat kong gawin. Sinubukan ko iguhit ang mga larawan ng mga hero sa online game na aking palaging nilalaro. Dahil sa aking kagustuhan na mapaganda ito ay kinuha ko ang aking mga pang pinta at sinimulan itong kulayan upang mas maging buhay ang itsura nito at makulay. Habang quarantine pa ay ito ang aking laging pinagkakaabalahan sa tuwing wala akong gagawin o kapag naman sinisipag ako sa paggawa. Nagiging masaya sa bawat drawing at painting na aking natatapos. Tinatago ko ang mga ito at inilalagay sa isang lalagyan upang hindi ito masira. Pagtapos nito ay pumunta ako sa kabilang bahay para makipagkwentuhan at manood sa kanilang ginagawang pag aalaga sa aming nakababatang pinsan. Bumalik ako sa amin para makakain ng hapunan at matapos ay pumunta na ng higaan para kami ay makatulog na.
May 12, 2020
Umaga pa lang ginising na ako ng aking ina para magpatulong sa kaniyang ginagawa. Ibinigay niya sa akin ang mga test paper ng kaniyang mga estudyante. Hindi lamang ito isang pangkat kundi tatlong pangkat ang kinakailangan kong checkan at pagtapos ay irerecord. Nagsimula na akong checkan ang isa isa ang mga test paper na nasa aking harapan. Hindi naman ito ganoon kahirap dahil sanay akong ginagawa ito sa aming paaralan sa tuwing mayroon din kaming mga pagsusulit. Binilisan ko ang paggawa dito upang makapag record kaagad pero sinigurado ko parin na tama ang bawat inilalagay kong tama at mali sa bawat numero. Marami sa mga mag aaral ang nakakuha ng mga pasadong marka o matataas na puntos sa kanilang ginawang pagsusulit at wala namang bumagsak. Pagtapos nito ay sinimulan ko na ang pagrerecord ng puntos na kanilang nakuha at ang aking ina naman ang bahala sa pag cocompute rito. Dito naman ako natagalan sa paggawa dahil kailangan ay isa isahin ang kanilang pangalan at siguraduhin na tama ang pangalan ng aking nilalagyan. Hindi rin ito nakaayos sa tamang pagkakasunod sunod batay sa apilido kayat mas lalo akong natagalan dahil kailangan ko pang hanapin ang kanilang mga pangalan sa listahan. Ito naman ang aking ginawa ngayong araw.
May 13, 2020
Hanggang ngayon ay nasa ilalim parin ng community quarantine ang aming lungsod at hindi parin makalabas ang karamihan. Dahil sa hindi pa pwedeng makalabas ay napagpasyahan ng aking ama na dito na lamang sa bahay magpagupit ng kaniyang buhok na humahaba na at makapagpagupit sa barbero dahil hindi pa pwedeng makalabas. Kasama ng aking pinsan ay pinagtulungan namin na magupitan ng buhok ang aking ama. Hindi ako marunong nito kung kaya tumulong lang ako sa pag aayos at ang aking pinsan naman ang naggupit ng buhok. Makalipas ang kalahating oras ay natapos din ito at maayos naman ang kinalabasan nito at pwede na. Pagtapos ng gupitan ay nilinis ko naman ang mga nakakalat na buhok sa sahig. Pagdating ng gabi matapos kumain ay nanood kami ng isang nakakatakot na palabas sa laptop bago matulog. Hindi ito masyadong nakakatakot at madalas ay puro pang gugulat lamang ang nangyayari na siyang nakakapagdulot ng takot sa aking mga kasama. Halos dalawang oras rin ang aming inabot sa panonood bago namin napagpasyahan na matulog na.
May 14, 2020
Malapit na ang araw ng labahan kung kayat napag isipan na naman ng aking ina na kami ay maglinis ng bahay dahil noong nakaraang linggo pa ng huling naglinis ako. Inayos at nilipit namin ang lagayan ng iba naming gamit na hindi na masyadong ginagamit ay inilagay sa mas maayos nitong lalagyan. Tinanggal ko rin ang mga kurtina at punda sa aming higaan at pinalitan ito ng bago. Inilagay ko naman ang mga marurumi sa labahan upang ito ay malabhan na sa susunod na araw. Pagtapos maglinis ay naghanda ang aking ama ng aming makakain at kumain na kami habang nanonood ng tv. Ilang oras pa ay lumabas ako sa amin para paliguan naman ang aming aso. Mahirap itong paliguan dahil kung minsan ay umaalis ito sa pwesto at nagiging malikot sa tuwing nakakaramdam ng lamig ng tubig. Para hindi makawala ay inilagay ko ang tali sa kaniyang leeg para hindi ito umalis. Matapos ito ay bumalik na ako sa amin at nagpahinga. Pagsapit ng gabi ay ako naman ang pinagluto ng aking ama ng aming makakain sa hapunan. Inayos ko ang mga gagamitin ko sa pagluluto at nagsimula na. Pagtapos nito ay tinawag ko na ang aking mga kasama sa bahay para kami ay makakain na at kasunod nito dumiretso na ako sa higaan at binuksan ang aking cellphone bago pa nakatulog.
May 15, 2020
Sa paglilinis na ginawa namin kahapon ay hindi namin ginalaw ang aking mga gamit at damit dahil nais kong ako mismo ang mag ayos nito. Inilabas ko ang lahat ng aking damit at isa isa itong inayos para matignan kung ito pa ba ay aking sinusuot o hindi na. Itinabi ko ang lahat ng aking mga damit na hindi na nagagamit at naisip ko na ibigay na lamang ito sa aking kapatid para magamit pa dahil maaayos pa ito. Pagtapos ng mga damit ay ang mga gamit ko naman sa paaralan, sa pagguguhit ay pagpipinta ang aking inayos. Isinalansan ko ito ayon sa kanilang gamit at pinagsama sama sa iisang lalagyan ang mga magkakaparehas upang ito ay mas madaling hanapin kung sakaling kakailangan gamitin. Nilagay ko ito sa maganda at maayos na lagayan upang mas maganda itong tignan at mas maging comportable ako sa paggawa. Itinayo ko naman ang lahat ng aking libro sa isang bookshelf simula pa noong senior high school hanggang ngayon upang mas madali itong mabasa ang pangalan ng libro na aking gagamitin at maaaring mapagkuhanan ng mga impormasyon. Pagtapos ng pag aayos at paglilinis na aking ginawa ay tinawag na ako para kami ay makakain. Matapos iyon ay nagbukas ako ng cellphone para makita ang mga mensahe galing sa aking mga propesor at mga kaklase tungkol sa mga gawain na aming ipapasa sa mga susunod na araw at sa nalalapit naming final exam.
Mayo 16, 2020
Isang mapagpalang araw!!! Bukas na magaganap ang proyekto namin. Ktuwang naming (KAMFIL) ang kagawaran ng SNF sa proyekto upang magbigay kasiyahan at maipakita ang aking kagalingan ng bawat miyembro. Maski ako ay hindi na makapaghintay. Isa ako sa mga gagawa ng pubmat na siyang ilalagyan ng mga tulang na isumite. Alam kong mahabang trabaho na naman at kakainin ang buong oras ko ngunit ayos lang dahil alam kong makabuluhan ang aking gagawin. Ito ang unang proyekto na magsasama ang dalawang kapisanan kaya naman gagawin naming ang lahat para mapagtagumpayan ito. Hindi na bali ang pagod at puyat basta’t makapaglingkod.
Mayo 17, 2020
Araw na ng paggawa.umaga pa lang ngunit may trabaho na. hindi ko sukat akalain na marami pala ang gusting magsumite ngunit kailangan muna ito sumailalim sa pagsusuri upang maisaayos ang lahat.Umpisa ng paggawa ng pubmat kaya naman bawal ang tatamad-tamad. Ang tanging pahinga ko lang ngayong araw ay ang pagkain at pagligo gayon pa man masaya pa rin ako sa ginawaga ko kasi itoy isang likhang sining. Ngayong ECQ marami akong nalalaman sa sarili ko at sa mga ibang tao. Iba’t-iba ang hugot ng mga nagsumite na alam kong ito din ang nagpapatibay sa kanila kaya naman nararapat lang na maisaayos ang pubmat dahil hindi basta basta ang kuwento na ilalagay dito.
Mayo 18, 2020
Ito na ang pangalawang araw ng paggawa. Patuloy akong gumagawa ng Pubmat para sa sinusulong naming proyekto. Napakasaya ng ginagawa naming sapagkat maraming nakikiisa. Ang proyektong ito rin ay nagsusulong ng pagkapantay-pantay nating lahat kahit ano pa ang iyong kasarian. Napapaantig din ang mga istoryang inilalathala ng mga may akda nito dahil nagbibigay aral ito sa lahat. Nakakatuwang isipin na kasama kami sa pagsulong ng pantay pantay na karapatang pantao. Kaya hindi nakakapagod ang paggawa dahil may natututunan din ako dito. Monthsary din naming ng aking minamahal kaya naman gumawadin ako ng maliit na surpresa para sa kanya.
Mayo 19, 2020
Ikatlong araw na ng aming paggawa pero nakakatuwa dahil marami parin ang nagpapasa ng kanikanilang istorya. Nakakatuwa dahil tinangkilik nila ang programa naming. Sa kabila ng dinaranas ay dama parin naming ang suportang inilalaan nila. Ngayong araw tumulong din ako sa pagaayos ng bahay namin. Nakakatuwa makita na unting unti na limalaki at namumulaklak an gaming tinanin na halaman. Mas maaliwalas na tignan ang buong bahay dahil dito. Pagtapos ko gumawa ng pubmat inayos ko naman ang mga halaman. Tinangal ko yung mga natuyot na mga dahon at diniligan na din. Inaantay pa naming ang ibang halaman na binili naming. Pagtapos ko doon ay gumawa at tinapos ko ang mga bagong pubmat na pinapagawa. Gumawa din ako ng Pubmat para sa Pagbati sa lahat ng nagsumite ng iba-ibang entry sa ating IBAHAG(har)I.
Mayo 20, 2020
Huling batch na ng pag gawa ng Pubmat ngayong araw at natapos na din lahat ng matagumpay ang proyekto. Binabati ko lahat ng mga napiling entry at nanalo. Ang proyektong ito ay hindi lamang nag bigay sakin ng aliw nagbigay din sakin ito ng aral hindi lang sa kung paano bumuo ng pubmat maging sa mga nababasa kong kuwento hango sa totoong buhay at karanasan. Habang binabasa ko ang mga ito, nakatutuwang isipin na kahit mahiraap yung mga naranasan nila pero nagawa nilang lagpasan patunay lamang na walang pagsubok ang hindi kayang mapagtagumpayan. Pagkatapos ko gawin ang huling pubmat ay nagluto ako ng makakain naming sa hapunan. Wala naman masyadong nangyari ngayong araw at maaga ako matutulog pambawi lang sa ilang araw kong pagpupuyat.
Mayo 21, 2020
Good Day!!! Pahinga muna ngayong araw sa mga gawaan dahil sa mga susunod na araw derederetso na yung paggawa ko ng activities. Halos magtatatlong buwan na ang lockdown at malapit na din ang pasahan ng requirments namin kaya simula bukas tatapusin ko na sila pero ngayon nood muna ng movies and chill lang pahinga muna sa gawain. Gumawa din ako ng shake at nagluto para sa hapunan. Isa to sa mga ginagawa ko para marefresh yung utak ko at para ihanda din para sa mahabaang paggawa ng school activities.
Mayo 22, 2020
Isang magandang araw na naman para magsimula ng gawain. Marami pa ang kailangan kong gawin ngayong araw. Pagtapos kong tumulong sa gawaing bahay ginawa ko naman ang mga natitira pang gawaing pampaaralan. Ngayon ang aking gagawain ay para sa panulaan. Tinapos ko lahat ng sanaysay at photo essay ko. Halos iyon ang ginawa ko maghapon. Hindi Biro gumawa ng sanaysay Kaya naman kailangan pahtuunan ito ng pansin at pagisipan ng mabuti.
Sinimulan ko ang araw ko sa paggawa ng mga activities na madami ang kailangan sagutan. Inihanda ko ang aking mga gamit at cellphone para maumpisahan na ang paggawa. Ngayong araw ay tinapos ko ang pagsagot sa activity ng RPH. Maraming tanong ang kinakailangan sagutan dito kung kaya inuna ko ito at itinuon ang buong pansin upang mabilis ko itong matapos. Pagtapos ko itong masagutan ay nakipag usap ako sa aking mga kaklase tungkol sa aming gagawin sa isa pa naming activity. Nalalapit na rin ang aming final exam kung kayat naghahanda na rin ako para dito. Matapos ang pagsagot ng activity ay lumabas naman ako para tulungan ang aking ina sa paghahanda ng makakain. Ako ang naghanda ng hapag kainan at ang aking ina naman ang siyang nagluluto. Matapos ang hapunan ay naisipan ko ang panonood ng videos para malibang bago pa makatulog. Nagpahinga na ako matapos kong gawin ang lahat ng dapat kong gawin sa araw na ito.
Mayo 24, 2020
Ngayong araw ay panibagong graduation video ulit ang aking ginawa. Inutusan ako ng aking tita na mag edit ng graduation video para sa kaniyang mga estudyante. Hanggang ngayon ay hindi parin pinapayagan ang pagsasagawa ng ibat ibang seremonya. Matapos kumain ng tanghalian ay tinawag na ako para sa aking gagawin. Marami ang estudyante na ito kaya tingin ko ay mahaba habang video ang aking magagawa at hindi ganon kadali ang paggawa. Pagtapos ng kalahating araw sa paggawa ay huminto muna ako para magpahinga saglit at makakain. Pagdating ng gabi matapos ang hapunan ay ipinagpatuloy ko muli ang pag eedit para maibigay ko na ito. Alas dos ng madaling araw ng tuluyan ko na itong matapos. Pinanood ko buong video na aking ginawa upang makita kung maayos ba at maganda ang buong video. Maayos naman ito at maganda ang pagkakagawa kaya napagpasiyahan kong tapusin na ito at bukas ay ibibigay ko na ito. Bago matulog ay naisipan kong kumain na muna dahil sa pagod sa paggawa at nakakagutom din. Ilang oras lang ay napagpasiyahan ko na rin na magpahinga dahil madaling araw na.
Mayo 25, 2020
Paggising ng umaga ay nadatnan ko na nag aayos ng gamit ang aking ina. Napakaraming gamit ang nakakalat sa sahig kaya tinanong ko kung ano ang gagawin dito at tinulungan na rin siya sa pag aayos. Pagtapos namin mag ayos ay sinabayan ko na rin siya sa pagkain at nanood kami ng pelikula sa tv. Maya maya ay naghanda naman kami ng aming lulutuin para sa tanghalian. Tinulungan ako ng aking ama sa pagluluto ng aming ulam para sa araw na ito. Pagtapos namin kumain ay pumunta na kami sa aming kaniya kaniyang gawain. Pumunta ako sa aming kwarto at inayos ang laptop na aking gagamitin. Ngayong araw ay nangolekta ako ng sarbey na ipinamahagi sa bawat isa. Hindi ko ito natapos ngayong araw kaya naisipan ko na bukas ko lang ito gagawin at tatapusin. Matapos ito nagpunta ako sa kabilang bahay at doon ay nakipagkwentuhan at kung ano ano pa ang ginawa. Bumalik ako sa amin para makapaghanda sa pagkain namin. Matapos namin kumain ay dumiretso na ako sa aking higaan dahil sa pagod na nararamdaman at naisipan na matulog na ng maaga.
Mayo 26, 2020
Kahapon ay nangolekta ako ng mga sarbey na ipinamahagi at hindi ko ito natapos agad. Ngayon ay itutuloy ko ang pangongolekta ng sarbey dahil mayroon pa akong dapat ipasa. Matapos ng pagkain sa tanghali ay sinimulan ko na ang paggawa sa sarbey upang madali ko na itong matapos at maihabol sa deadline. Maya maya pa ay itinigil ko muna ang paggagawa ng sarbey para ayusin ang aking activity sa profed para maipasa na. Pagtapos basahin ay inayos ko na ito at ipinasa na sa aming professor dahil hanggang ngayon araw lamang ang pagpapasa nito. Pagtapos magpasa ay nakaramdam ako ng gutom kaya lumabasa muna ako para makakain. Pagdating ng hapon ay itinuloy ko ang pagkolekta ng sarbey. Tumigil muli pagdating ng gabi para sa hapunan at ipinagpatuloy pagtapos ng kainan. Hatinggabi ay natapos ko rin ang sarbey na aking ginagawa at sa susunod pa na mga araw ay maaari ko na itong maipasa. Sa sobrang pagod at sakit ng ulo ay napagisipan ko na agad na makapagpahinga na at bukas ay panibagong activity muli ang kailangan gawin at tapusin.
Mayo 27, 2020
Ngayong araw ay panibagong gawain o activity na naman ang kailangan kong gawin dahil malapit na ang mga deadline. Bago pa masimulan ang paggawa ng activity ay tinulungan ko muna ang aking ina sa kaniyang ginagawa para sa eskwelahan. Madali rin itong natapos kaya pumunta naman ako sa aking dapat gawin. Sinimulan ko na ang paggawa ko ng activity sa ethics para matapos ko na agad ito. Ilang oras ko rin ito ginawa at hapon na ng tuluyan ko itong matapos. Pagtapos sa paggawa ay naglaro naman ako ng online games sa cellphone. Ginawa ko itong libangan pag natatapos ko ang aking mga gawain ngayong araw. Dahil sa sobrang pagkaenganyo sa paglalaro ay hindi ko na namalayan ang oras at tinatawag na ako para sa pagkain. Matapos kumain ay ako naman ang naghugas ng aming mga pinagkainan. Matapos ay naligo para makatulog. Bago pa nakatulog ay nag kwentuhan muna kami ng aking ina at nagkakatuwaan sa aming ginagawa kasama ang aking *kapatid at ama. Ilang oras lang ay napagpasiyahan na namin na kami ay matulog na. Habang sila ay natutulog na ay naglaro muli ako nh online game dahil hindi pa nakakaramdam ng antok. Pagtapos maglaro ay dito ko pa lamang naisipan na matulog na.
Mayo 28, 2020
Noong nakaraang araw ay natapos ko na ang pangongolekta ng mga sarbey at ngayon naman ay ipapasa ko na ito sa aming professor. Pagtapos magpasa ng sarbey ay paglilinis naman ang aming ginawa dahil sa linggo ay araw ng paglalaba. Kaming dalawa ng aking ina ang naglinis sa aming bahay. Tinanggal at pinalitan ko ng bago ang aming mga kurtina pati na rin ang mga punda at kumot sa aming higaan. Matapos ito ay inayos naman namin ang aming gamit sa bahay at tinanggal ang mga hindi na kailangan. Matapos ang ilang oras na paglilinis at inabot ng hapon ay kumain naman kami. Pumunta ako sa aming kwarto at binuksan ang aking cellphone para tignan ang mensahe ng aming guro tungkol sa sarbey na aking ipinasa kanina. Padating gabi ay tinawag na ako para kumain at matapos ito ay dumiretso na agad sa higaan dahil sa pagod na naramdaman paglilinis. Naipasa ko na ang aming sarbey kaya wala na akong aalalahanin ngayon at makakapagpahinga na ng maaga. Sa ibang araw ay paghahanda naman sa final exam ang aking gagawin at dapat intindihin dahil mahaba at marami ang pagsusulit na aming gagawin.
Ngayong araw ay tigil muna sa pag gawa at tinulungan ko ang aking ina sa paggawa ng video presentation nila. Gumawa ako ng 3 video pa para sa graduation at nagedit ako ng background sa walang gradpic. Sa ginagawa kong ito lalo panglumakas ang loob ko upang makapagtapos ng pag-aaral. Isa sa mga dahilan Kung bakit gusto kong maging guro ay dahil sa mga batang gustong matuto at makita silang umaangat sa buhay. Marahil hindi malaki ang sahod na makukuha sa ganitong trabaho ngunit dito naman makukuha ang tunay na saya. Ang graduation video na ginagawa ko ay patunay lamang Kung gaano kalaki ang epekto ng guro sa pagabot ng mga bata sa pangarap Kaya hinding Hindi ako magsisisi na pinili ko ang kursong ito.
Mayo 30, 2020
Isang mapagpalang araw ngayon. Tila dama ko na ang aking kaarawan dahil napakari na ang bumabati sa akin ngayong araw. Bumili kami ng ihahanda ko bukas at kakainin namin mamayang gabi napakasaya ko dahil kahit simpleng handaan lang ay ito ang unang pagkakataon na makakasama ko ang pamilya ko sa aking kaarawan. Naghanda lang ako ngayon ng gagawin para bukas at dumating na din ang mga bagong halaman at agad ko itong inayos. Kinagabihan Tinayo yung pool para sa birthday ko bukas. Sinimulan ko na ito dahil malaki ito at halos limang oras bago mapuno. Gumawa din ako ng iba pang gawain na hinihingi sa amin ng aming mga guro at Tinapos ang dalawang banghay aralin para maaga ako makalagpasa.
Mayo 31, 2020
Isang magandang umaga! Ngayon ang araw ng aking kapanganakan kaya excited ako ngayong araw. Kagabi pa lang ay marami na ang mga bumati sa akin. Simpleng celebration lang ngayon dahil wala naman akong bisita pero isang napakasayang araw parin ito para sa akin. Gumawa ng study table at nag celebrate ako ng birthday ko ngayon. Marami din ang nag padala sa akin ng regalo na Hindi ko inaasahan. May nag padala ng pera, damit, pati bag pero ang pinakaspecial sakin ay nag padala din sa akin na mga bagong canvas acrylic paints at lapis ang isa sa mga importante sa buhay ko ang babaeng aking minamahal. Hindi ko inaasahan na sakbila ng pandemya ay nakuha parin nila akong regaluhan at isurpresa. Nakakataba ng puso dahil patunay lamang yun na Hindi nila ako nakalimutan. Para sa akin higit na masaya na ako sa mga pagbati pero iba parin talaga pag nageffort yung mga taong nakapaligid sayo.
Hunyo 01, 2020
Isang magandang araw! Katatapos lang ng celebration ng birthday ko pero nakakatuwang isipin na hanggang ngayon ay nakakatanggap pa rin ako ng pagbati at mga regalo. Simple man ang mga naganap kahapon pero napaka special parin nito dahil ngayon lang kami nagkasamasama sa birthday ko. Napakasaya isipin na kahit mahirap ang sitwasyon ngayon ay nakakatanggap parin ako ng mga bagay na nagpapasaya sakin. Ngayong araw simula na naman ng bagong buwan na puno ng di pa inaasahang pangyayari. Masaya ako na lahat kami ay ligtas sa banta ng civod iyon din naman ang tanging hiling ko. Ngayong buwan na din matatapos ang pagiging first year ko kaya mas lalo ko pang pinagbubutihan para sa pangarap ko.
Hunyo 02, 2020
Ngayon tapos na ako sa lahat ng gawain namin at bigbook na lamang ang aking inaasikaso. Sa akin naatas ang paggawa ng proyekto ng buong klase kaya naman pinagbubutihan ko ito para sa mataas na gradong ninanais naming lahat. Una mahirap dahil lahat sila ay nageexpect na maganda ang kakalabasan kaya inaayos ko talaga para hindi sila Manghinayang na nagtiwala sila sa gawa ko. Marahil para sa akin ay isa itong pagpapatibay ng pagtingin ko sa sarili napakasaya ko dahil maraming nagtitiwala sa kakayahan ko. Kaya karapatdapat lang suklian ko yung tiwala na binibigay nila sa Pamamagitan ng pagbibigay ng lahat ng makakaya ko.
Hunyo 03, 2020
Isang magandang araw na naman upang magsimula ng mga bagong pagkakaabalahan. Ngunit tulad ng mga nakalipas na araw ay nahuli na naman ako sa aking pagising sapagkat madaling araw na naman ako dinalaw ng Antok. Buong araw Kong hawak ang aking cell phone at ginagamit ko ito upang makakuha ng mga bagong impormasyon at pati narin upang malibang sa buong araw na ito. Tulad ng ibang mga araw wala na naman akong nagawang pagkakaabalahan tanging pagtulong lang sa mga gawaing bahay ang aking nagawa. Nanood din ako ngayong araw ng ibat-ibang palabas at penikula upang mabawasan ang pagkainip. Umiisip na din ako ng mga gagawin kinabukasan at balak kong gumuhit muli at lumikha ng isang obra. Ako'y nagpapasalamat na muli sa araw na ito ay nananatili kaming pamilya na malusog at walang dinaramdam na sakit. Nawa'y sa pag harap pa namin sa bawat umaga ay samasama parin kami at walang isa sa amin ang maaapektohan sa kumakalat na sakit.
Hunyo 04, 2020
Dahil sunod sunod ang mga araw na may ginagawa ako, ngayong araw pahinga muna sa Gawain. Bininyagan ko ang mga bagong art materials na niregalo sa akin. Ngayon na lamang ako muling nakapagpinta sa canvas Kaya parang balik sa simula ang lahat. Isa sa nagpapawala sakin ng stress ang pagpipinta Kaya naman pag tapos ng mga gawain ay ginagawa ko ito bukod sa panonood ng movie para gumaan ang pakiramdam ko at makapagsimula ulit sa gawain. Umiisip at nag lalayout na din ako ng magiging cover book namin at gumawa nako ng cover page para sa iba’t-ibang introduction.
Hunyo 05, 2020
Isang araw na naman na walang ginagawa. Tanging bigbook na lamang ang kinakailangan kong tapusin at Hindi pa naman lahat nagpapasa kaya Hindi ko muna ito ginawa. Ubos na din ang aking mga canvas at Hindi pa nadedeliver yung iba kaya wala talaga akong magawa. Kaya napagdesisyonan namin ni mama na mag Karaoke. Bumili kami ng mga makakain at inumin para maging masaya ang lahat. Naglaban laban kami sa kantahan at ito ay may premyong makukuha. Tanging pangatlo lang ako sa nanalo Kaya Hindi masyadong malaki ang nakuha kong premyo ngunit ayos na din sapagkat naging masaya kaming lahat sa pinaggagagawa namin.
Habang community quarantine parin paulit ulit na lang ang nangyayari sa bawat araw ngunit ganon pa man ay kailangan parin mayroong matapos na gawain. Malapit na ang aming final exam kaya ito ang aking pinagtutuunan ng pansin at gumagawa na rin ng mga reviewer para may magamit sa finals. Wala akong kailangan tapusin na gawain ngayong araw at nakatapos na rin ako ng isang reviewer sa isa namang subject. Ngayon ay naisipan namin na gumawa ng puto at coffee jelly. Una namin ginawa ang coffee jelly. Kami ang naggawa dito dahil naman ito mahirap at marunong ako sa paggawa. Nang maayos na namin ito ay inihanda na namin ito para palamigin at maging jelly. Habang inaantay ito ay pinanood ko naman sila kung paano ang paggawa ng puto at hindi naman siya ganoon kahirap kailangan lang na bantayan maigi upang tamang tama lang ang pagkakaluto nito. Pagtapos ng ilang oras na paghihintay ay tinuloy na namin ang paggawa ng coffee jelly. Nang maayos na ang lahat ay inilagay na namin ito sa ref para lumamig. Pagtapos non ay nanood kami ng tv at nagkwentuhan. Pagdating ng hapon ay ito ang aming kinain sa meryenda at masarap ang kinalabasan ng aming ginawa at balak namin na magluto pa ulit sa susunod.
Hunyo 07, 2020
Tanghali na ng ako ay magising kaya ako na lamang ang nagluto para sa aming tanghalian. Inayos ko na muna ang mga sangkap na aking gagamitin sa pagluluto at inihanda na ang lahat. Habang nagluluto ay nanonood ako ng tv para malibang ng kaunti. Pagtapos magluto ay naghanda na ako para makakain na kaming lahat. Matapos maayos ang lahat ay tinawag ko na sila at kami ay kumain na. Pagtapos makakain ay bumalik na naman ako sa kwarto para gawin naman ang aming big book. Kinausap ko ang aking mga kaklase para kuhanin na ang kanilang gawa at maisama ito sa aking gagawing big book. Marami ang aking ginawa kaya inabot na ako ng gabi sa paggawa at hindi parin tapos. Tumigil ako para sa hapunan at nag simulang gumawa ulit matapos naming kumain. Tinuloy ko ang paggawa ng aming big book ng matapos na aking pagkain at paglinis. Marami rami ito kung kayat hindi ko ganon kabilis natapos at inabot na ng hatinggabi. Habang gumagawa ay nakaramdam na ako ng pagod at antok kaya itinigil ko na paggawa.
Hunyo 08, 2020
Sa puyat at pagod na aking naramdam ay tanghali na ulit ng ako ay magising at mayroon pa akong itutuloy na gawain na hindi natapos kagabi. Pagtapos kumain ay naisipan ko na agad na ituloy ang paggawa ng aming bigbook. Bago ko ito itinuloy ay nagpasa na muna ako ng mga activities sa aming professor para tuloy tuloy na aking paggawa sa iba pang proyekto. Matapos ito ay ginawa ko na aming big book na aking tinatapos. Gaya ng kahapon ay mayroon parin akong kailangan kunin na mga gawa galing sa aking mga kaklase para mailagay sa libro. Pagdating ng hapon ay tumigil na muna ako sa paggawa para makapagluto na kami ng aming pagkain para sa hapunan. Habang kumakain ay napag usapan ang ibat ibang bagay at bumalik na sa aking ginagawa. Inabot ulit ako ng hatinggabi sa paggawa dahil sa dami ng laman nito at kinakailangan na maayos at maganda ang laman nito. Sa bawat pahina nito ay sinigurado ko na maayos ito at wala ng kailangan pang baguhin. Alas dos na ng madaling araw ng naisipan ko na itigil na aking ginagawa dahil marami na rin akong nagawa ngunit marami parin ang dapat ilagay. Pagtapos sa paggawa ay naisipan ko na kaagad na matulog na dahil sa sobrang pagod at sumasakit na rin ang aking mata dahil kanina pa ako nakatutok sa harap ng laptop.
No comments:
Post a Comment